Pinatutsadahan ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang mga tao na maraming nasasabing reaksiyon, komento, at opinyon sa isyu ng hiwalayan at nag-viral na engagement ring na may presyong ₱299.

Matatandaan kasing naging hot topic kamakailan ang pag-unfollow ni Kapamilya star Kathryn Bernardo sa Instagram account ng ex-jowa nitong si Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Moving forward na talaga! Kath, inunfollow na si Deej

Bukod dito, pinag-usapan din sa iba’t ibang social media platforms ang tungkol sa confession ng isang bebot na tila nadismaya sa ibinigay na engagement ring ng kaniyang boyfriend.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

MAKI-BALITA: Bebot dismayado sa jowa dahil sa ₱299 na engagement ring; inulan ng reaksiyon

Ito ay sa kabila ng tuluyang pag-phase out sa mga traditional jeepney at pagsusulong umano na baguhin ang 1987 Konstitusyon ng Pilipinas sa maruming paraan.

Kaya sa Facebook post ni Guanzon noong Linggo, Enero 14, pinaalalahanan niya ang publiko kung aling isyu ba ang higit na nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng bawat Pilipino.

“Ang hirap sa inyo ang dami niyong ebas pagdating sa hiwalayan ng celebrity, kathryn ni unfollow si DJ at iba pa, 299 na engagement ring pero pagdating sa jeepney phaseout at allegedly suhulan sa charter change, nganga kayo!” ani Guanzon.

Dagdag pa niya: “Tandaan niyo mas tatamaan kayo kung biglaang mawalan ng jeep sa daan at mahirap sumakay papunta sa trabaho o kaya naman ay humaba lalo termino ng mga buhaya sa gobyerno.”

Sumang-ayon naman ang maraming netizens sa sentimyentong ito ni Guanzon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tama po Atty.Pati po yung dayaan sa Lotto,araw araw may nananalo pero wala silang pakialam😂"

"May tama ka dyan mama bing in fact,malaki ang tama mo dyan,SAPOL NA SAPOL ang kampon ni kulapo🤣"

"Korek... Kung makapagsalita pa yung iba grabe apektadong apektado. Pero sa Nakawan at mga ginagawa ng mga taong Gobyerno parang si Mark Tahimik lang."

"True...mga feeling rich."

"Tama"

Samantala, kasalukuyan nang naghahain ng resolusyon ang Makabayan bloc para paimbestigahan ang signature buying para amyendahan ang kasalukuyang Konstitusyon.

MAKI-BALITA: Signature buying para amyendahan ang konstitusyon, pinaiimbestigahan

Ikinasa naman kamakailan ng grupong Manibela ang panibagong transport strike na isasagawa nila sa darating na Martes, Enero 16, bilang pagtutol sa public utility vehicles (PUV) modernization program.

MAKI-BALITA: Manibela, muling magsasagawa ng transport strike sa Enero 16