Kumpiyansa ang isang mataas na opisyal ng National Security Council (NSC) na panahon na upang simulan ng pamahalalaan ang paglalatag ng kondisyon sa Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) kapag nagsimula na ang usapang pangkapayapaan.

Paliwanag ni NSC Assistant Director Genera Jonathan Malaya sa panayam sa radyo, nakalalamang na ang pamahalan na gawin ito sa gitna ng paghina ng hanay ng mga rebelde dahil na rin sa sunud-sunod na military operations.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"Marami akong mga kaibigan nagpupunta na ng Quezon, nagpupunta sa Bondoc Peninsula, dati NPA infested area 'yan. Ngayon, makikita mo sa FB (Facebook), nasa beach sila so 'yung ating bansa, nakamit na natin and we are enjoying the fruits of the victory of the government laban sa mga komunista," ani Malaya.

Binigyang-diin ni Malaya, isinusulong ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan upang matamo na ang matagal nang inaasam na kapayapaan.

"If we can spare one life, we can prevent more violence, eh kailangan tugunan kasi siyempre mas maganda kung ang kapayapaan ay mapapabilis. Sa kasaysayan ng conflicts sa buong mundo, kadalasan may political settlement 'yan, sa tingin po ng pamahalaan natin, itong Oslo Communique, 'yung pag-uusap for a political settlement, baka ito 'yung makapagpabilis sa tunay na kapayapaan," anang opisyal.

Matatandaang nagkasundo ang Philippine government at National Democratic Front (NDF) na magkaroon ng mapayapang resolusyon sa gitna ng armadong labanan sa kasunod na rin ng pagpirma nila sa joint communique sa Norway kamakailan.

"Kung magko-collapse man ang peace talks o exploratory talks, it will not be the fault of the government, it will be the fault of the CPP-NPA-NDF," paglalahad ni Malaya at sinabing dahil ito sa kakulangan ng kanilang katapanan.

PNA