Mapapanood pa rin sa mga sinehan sa bansa ang “GomBurZa” na most awarded film sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2023.

Sa Facebook post ng GomBurZa team nitong Lunes, Enero 15, inihayag nila ang tungkol sa bagay na ito.

“Dahil lumalagablab pa rin ang suporta n'yo, EXTENDED ang Most Awarded MMFF 2023 Film na ‘GOMBURZA’ sa major cinemas nationwide!” saad sa caption ng post.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa nila: “Magpapatuloy ang laban ng #GomBurZaFilm upang marami pang mga Filipino ang mas mabuhayan ng alab sa kanilang puso.”

Matatandaang bago pa man ito ay nauna nang inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Linggo, Enero 7, ang pagpapalawig ng theatrical run ng 10 kalahok na pelikula sa MMFF 2023.

MAKI-BALITA: MMFF, pinalawig theatrical run ng 10 entries nito

Naging maganda kasi ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga pelikula ng naturang film festival. Sa katunayan, umabot na sa ₱1 billion ang kabuuang kita ng 10 entries.

MAKI-BALITA: Total gross ng MMFF 2023, umakyat na sa ₱1 billion 

Samantala, ipinasilip naman ni Direk Pepe Diokno sa kaniyang Instagram account ang behind-the-scene photos habang ginagawa ang ‘GomBurZa’.

MAKI-BALITA: Behind-the-scenes ng GomBurZa, ipinasilip ni Pepe Diokno