Kahit matagal nang sumakabilang-buhay si Comedy King Dolphy ay patuloy pa rin daw silang nasusustentuhang magkakapatid sa iniwan nitong pamana, ayon sa aktor-direktor at isa sa mga anak nitong si Eric Quizon.

Sa panayam ni Ogie Diaz, inamin ni Eric na hindi maiiwasang magkaroon ng diskusyunan o pagtatalo-talo kapag mana ang pinag-uusapan, lalo't malaki ang naiwan sa kanila ng yumaong ama.

Subalit kapag nagkakatalo-talo na, iniisip na lamang nilang huwag palakihin at resolbahin na kaagad. Iyan daw kasi ang bilin sa kanila ni Pidol.

Kailangan daw ay pantay-pantay silang 18 magkakapatid sa mana, na hanggang ngayon ay patuloy nilang natatamasa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sumakabilang-buhay ang komedyante sa edad na 83 noong Hulyo 10, 2012 matapos ang limang taong pakikibaka laban sa chronic obstructive pulmonary disease.

"Of course 18 kami so may kaniya-kaniyang idea ‘yang mga ‘yan… Natural lang ‘yong mayroong diskusyon na, ‘Bakit ganoon? Dapat mas mataas ‘yong presyo. Dapat ganito, dapat ganyan.’ But in the long run, somehow, we managed to agree on everything that is laid upon us,” ani Eric.

“Kumbaga pagka mayroong ibinebenta na lupa, or mayroong ka-joint venture, nilalatag ko sa bawat isa sa kanila and then for some reason naman, lahat naman nag-aagree,” paliwanag naman ni Eric.

Noong pandemya raw ay napagdesisyunan nilang magkakapatid na ipagbenta ang ilang mga ari-ariang pamana sa kanila ni Pidol, at ang kita rito ay napaghati-hatian nilang magkakapatid.