Hindi nakadalo sa face-to-face media conference sina Paulo Avelino at Kim Chiu para sa teleserye version ng kanilang hit online streaming series na "Linlang" ngayong Lunes, Enero 15, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN matapos raw silang mag-positibo sa Covid-19.

Bago kasi maganap ang mga mediacon sa ABS-CBN ay dumaraan muna ang lahat sa antigen test para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Sa social media post ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe, sinabi niyang hindi makadadalo sa face-to-face mediacon ang dalawang bida ng serye, subalit makadadalo naman sila sa pamamagitan ng video conference.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kinilig naman ang fans ng "KimPau," ang loveteam na nabuo dahil sa serye, dahil maging sa pagkakasakit daw ay parang destined ang dalawa.

Anyway, mapapanood na ang Linlang:The Teleserye version sa Lunes, Enero 22, na nasa ikalawang slot ng ABS-CBN Primetime Bida, pagkatapos ng FPJ's Batang Quiapo.

Biro pa nga ng mga netizen, hindi lang daw asawa ang inagaw ni "Juliana Lualhati," ang karakter ni Kim Chiu, kundi maging time slot ng "Can't Buy Me Love" nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas sikat sa tambalang "DonBelle."

MAKI-BALITA: Hindi lang asawa: ‘Juliana’ nang-agaw na rin ng time slot