Siyam na lugar sa Luzon ang nakaranas ng pinakamalamig na temperatura nitong Lunes ng umaga, Enero 15, dahil sa pag-iral ng northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa temperature update ng PAGASA kaninang 8:00 ng umaga, naitala ang temperaturang 13.2°C sa Baguio City.

Nasa 17.0°C naman sa Basco, Batanes, 18.4°C sa Tuguegarao City, Cagayan, at 18.8°C sa Tanay, Rizal.

Naitala rin ang pinakamalamig na temperatura sa Laoag City, Ilocos Norte (19.4°C); Abucay, Bataan (20.1°C); Casiguran, Aurora (21.2°C); Dagupan City, Pangasinan (21.2°C); at sa Sinait, Ilocos Sur (21.3°C).

Metro

Pinakamalamig na temperatura sa NCR para sa 2024, naitala ngayong Linggo

Matatandaang nito lamang Linggo, Enero 14, ay naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila para sa taong 2024.

Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ang mababang temperatura sa ilang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na pag-iral ng hanging amihan.

Samantala, inihayag din ng PAGASA na inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes dahil sa pag-iral ng amihan at ng shear line.

https://balita.net.ph/2024/01/15/amihan-shear-line-magpapaulan-sa-ilang-bahagi-ng-bansa-3/