Nakahanda raw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa transport strike na muling isasagawa ng grupong Manibela ayon sa chairperson nitong si Romando Artes.

Matatandaang inanunsyo kamakailan ng pangulo ng transport group ng Manibela na si Mar Valbuena na muli silang magsasagawa ng malawakang tigil-pasada sa Martes, Enero 16, bilang protesta sa public utility vehicles (PUV) modernization program.

MAKI-BALITA: Manibela, muling magsasagawa ng transport strike sa Enero 16

Sa inorganisang press briefing ng Presidential Communications Office (PC) nitong Lunes, Enero 15, tinanong si Artes kung irerekomenda ba niyang magpatupad ang mga Local Government Unit (LGU) ng suspensyon ng klase dahil sa isasagawang transport strike.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Noong nakaraan po na mayroon pang express declaration ng tigil-pasada, hindi po tayo nagrekomenda ng suspension ng klase o trabaho. Dahil nga po tayo naman po ay nakahanda to augment kung sakaling magkaroon ng disruption sa pampublikong transportation,” pahayag ni Artes.

“We will make sure tulad ng dati na ma-minimize ‘yon pong discomfort at inconvenience sa ating mga mananakay. Sabi nga po ni Chair Andy saka ni Chair Guadiz, paulit-ulit na po ‘yong rally, nasanay na po kaming rumesponde,” aniya.

Dagdag pa ni Artes: “Handa po kami at gagawin po uli namin ‘yon.” 

Samantala, ayon naman kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Teofilo Guadiz III, wala umano siyang nakikitang anomalya sa implementasyon ng PUV modernization.

MAKI-BALITA: Guadiz, walang nakikitang anomalya sa implementasyon ng PUV modernization