Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na tripulante ng isang bangka matapos magkaaberya sa gitna ng laot sa Socorro, Surigao del Norte nitong Linggo ng umaga.

Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng anim na nasa maayos na ang kalagayan.

Sa imbestigasyon ng PCG, dakong 8:40 ng umaga nang umalis ang MBCA Siarelco sa Feeder Port, Brgy. Navarro, Socorro, Surigao del Norte patungong Brgy. 12, Catabaan, Dapa. 

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Gayunman, pagdating sa Kalangugan, Brgy. Rizal, Socorro ay biglang humampas sa bangka ang malalaking alon na nagresulta ng pagkasira ng timon nito.

Matapos matanggap ang impormasyon, kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG.

Hinila ang bangka patungong Port of Socorro, dagdag pa ng PCG.