Nagpalipad muli ng ballistic missile ang North Korea patungo sa karagatan ng Japan nitong Linggo, ilang araw matapos magsagawa ng live-fire exercises ang mga tropa ng South Korea at United States malapit sa maritime border ng nasabing bansa.

Sa pahayag ng South Korean General Staff, nagpakawala ng missile ang North Korea nitong Linggo, dakong 2:58 ng hapon.

Ito na ang unang pagkakataong nagpakawala ng missile ang N. Korea ngayong taon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

"Our military detected one suspected intermediate-range ballistic missile launched from the Pyongyang area towards the East Sea (Sea of Japan) at around 14:55 (0555 GMT)," pagdidiin ng Joint Chiefs of Staff ng Seoul.

"We strongly condemn the latest missile launch by North Korea as it is a clear provocation that seriously threatens peace and stability on the Korean peninsula," ayon pa sa kanilang pahayag.

Binanggit ng Japanese Defense Ministry na bumagsak ang missile sa labas ng Japanese national exclusive zone.

Dahil dito, kaagad na iniutos ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio sa militar nito na magbantay at maging handa para sa hindi inaasahang sitwasyon.

Matatandaang nagpalipad ang North Korea ng short-range ballistic missile noong Disyembre 17, 2023 at isang international ballistic missile na "Hwasong-18" kinabukasan. 

Kamakailan, isinapubliko ni North Korean leader Kim Jong Un na "principal enemy" nito ang Seoul kasabay ng bantang lilipulin niya ito.

Agence France-Presse