Naglabas ng opisyal na pahayag ang Bangsamoro Government matapos makarating sa kanilang kaalaman ang Singkil dance performance ng isang pamantasan sa Cebu City, para sa opening salvo ng pagdiriwang ng Sinulog Festival sa nabanggit na lungsod.

Nakiisa ang state colleges at universities sa pagbubukas ng pagdiriwang ng Sinulog Festival, na ginaganap tuwing Enero. Ito rin ay kilala bilang Pista ni Señor Sto. Niño o Child Jesus. Ang Singkil naman ay isang uri ng folk dance ng mga Maranao sa Mindanao.

Sa opisyal na pahayag na nilagdaan ni Chief Minister Hon. Ahod B. Ebrahim noong Enero 13, 2024, tinawag nila itong "inappropriate and culturally insensitive."

"The Bangsamoro Government decries as grossly inappropriate and culturally insensitive the “Singkil” performance of the Cebu Technological University during the Opening Salvo of the annual Sinulog Festival in Cebu, aniya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hindi umano nararapat na isama ang Bangsamoro at Muslim cultural arts at symbols sa isang pistang pang-Kristiyano.

Sa kabilang banda, hinihikayat ng Bangsamoro government na magkaroon ng constructive conversations at collaboration ang dalawang panig at iba pang partidong may kinalaman dito, upang magkaroon ng "cultural exchange" at hindi na maulit ang mga pangyayari, at mas mabigyan pa ng kalinawan ang mga bagay na pumapatungkol sa cultural appropriation.

Pinahahalagahan din ng Bangsamoro government ang naging pagkilos ng Cebu Technological University na maglabas ng public apology kaugnay nito.

"We emphasize the importance of cultural sensitivity, inclusivity, and cooperation in celebrating the diversity that defines our nation. Let us strive for unity through understanding and appreciation of each other’s traditions and heritage," pangwakas na talata sa pahayag.