Bulkang Bulusan, yumanig ng 19 beses
Labing-siyam na pagyanig ang naitala sa Bulkang Bulusan sa nakaraang 24 oras na pagsubaybay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang nasabing volcanic activity ay naitala mula 12:00 ng madaling araw ng Sabado, Enero 13, hanggang 12:00 ng madaling araw ng Linggo.
Binalaan ng Phivolcs ang publiko na bawal pa ring pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan at sa 2-km. extended danger zone sa timog-silangan nito.
Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang uri ng sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa nakaambang phreatic explosions.
Nasa Level pa rin ang alert status ng Bulusan Volcano, dagdag pa ng ahensya.
Matatandaang huling sumabog ang bulkan noong Hunyo 5, 2022 kung saan nagbuga ng makapal na abo na ikinaapekto ng mga residente sa paligid nito.