Matapos ang balitang magkakaroon na ng elective course sa University of the Philippines (UP) Diliman patungkol kay award-winning American singer-songwriter Taylor Swift, ilang netizens ang nagbigay ng reaksiyon at komento kung makatutulong daw ba sa Pilipinas at buhay ng tao ang pagkakaroon nito.
As expected, halo-halo ang reaksiyon at pagtanggap ng mga tao tungkol dito.
Ilang netizens, lalo na ang Swifties o tawag sa fans ng singer ang nagpahayag ng kanilang excitement tungkol dito, lalo na ang mga nag-aaral sa UP.
Subalit marami rin ang naghahanap ng "relevance" kung para saan daw ba ito, at kung anong trabaho ang makukuha niya kapag naka-graduate sa course na ito.
Kaya viral ang komento ng isang netizen sa isang online newspaper patungkol dito.
Aniya, "And pray tell me, what job can I get if ever I finished a course about this person?"
Paliwanag naman ng mga netizen, magkaiba ang "course" sa tinutukoy niyang "degree" o "program."
Malaki kasi ang pagkakaiba ng dalawa. Sa Pilipinas, nagkaroon ng "misconception" na kapag sinabing "course," ito ay tumutuloy sa "bachelor's degree."
Ngunit ang course o kurso sa kolehiyo ay tumutukoy sa asignatura, disiplina, o subject.
Ang degree o program naman ay ang mapagtatapusan, halimbawa ay Bachelor of Arts in Mass Communication, Bachelor of Secondary Education, at iba pa.
Narito ang ilan sa mga kuda ng netizens:
"Ang problem kasi eh tawag din ng madla sa 'college program/degree/major' is 'course' at yun ang nakasanayan natin."
"Parang bago nya problemahin ung TS course may ibang COURSE muna dapat syang intindihin."
"Ang course kasi ay part lang ng degree o program na kukunin mo sa college. Please pray for him."
"Program po kasi hahaha."
"Kaloka si Kuys, nakapag-English pero hindi alam pagkakaiba ng course and program."
Kaya sabi ng mga netizen, at least daw ay may linaw na tungkol dito sa pamamagitan ni Taylor Swift.
MAKI-BALITA: ‘Heads up, Pinoy Swifties!’ UP, mag-ooffer na ng Taylor Swift course