Napitikan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang imahen ng NGC 2392, isang nebula na matatagpuan daw sa layong 5,000 light-years mula sa Earth.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng NASA na ang NGC 2392 ay nasa constellation Gemini.
“Taken by Hubble #OTD in 2000, the very central star seen inside this nebula is shedding material as it dies, creating this spectacular cosmic scene,” anang NASA sa nasabing post.
Ang naturang larawan daw ng NGC 2392 ang isa sa mga pinakaunang nakuhanan ng Hubble noong isinagawa nito ang kanilang ikatlong servicing mission.
“During this mission, astronauts worked to improve Hubble with new electronics and replacement gyroscopes, which help the telescope turn and lock on to its targets,” saad ng NASA.
Kamakailan lamang, nagbahagi rin ang NASA ng larawan ng halos 10,000 galaxies sa gitna ng malawak na espasyo ng universe.