Ibinunyag ni TV host-actress Miles Ocampo ang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang kalusugan matapos niyang sumailalim sa operasyon.

Sa latest episode kasi ng vlog ni ABS-CBN news anchor Karen Davila nitong Huwebes, Enero 11, napag-usapan nila ang near death experience ni Miles.

“You almost face death. Alam mo ang tindi n’on, ha. Sa edad mong ito, may banta ka ng thyroid cancer. Ano ang naramdaman mo noon sa katawan?” usisa ni Karen.

“Una sa lahat, ‘yong weight ko. Bakit hindi naman ako sobrang kumakain…bakit ganito? Bakit hindi ako pumapayat talaga? Tapos, Miss Karen, like ang bilis kong mapagod. After work, uuwi na ako talaga. Matutulog ako. Tapos, magigising ako, Miss Karen, ng mga madaling araw. Kasi para akong ‘di makahinga,” kuwento ni Miles. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“E, takot po ako, Miss Karen, sa mga needles. Takot ako sa ospital. Takot ako sa ganiyan, Miss Karen. So, noong naramdaman ko ‘yon, parang may hindi na tama,” aniya. 

Ipinakita pa ni Miles sa vlog ang bakas ng operasyon sa kaniyang leeg at kung titingnan ay naroon pa rin ito. 

Noong una raw, hindi talaga napansin ng aktres ang bukol sa kaniyang leeg. Saka lang niya ‘yon nakita matapos niyang sumailalim sa operasyon at balikan ang mga dating ginagawa.

Kasisimula pa lang daw noon ng “FPJ’s Batang Quiapo” nang mapagdesisyunan ni Miles na magpakonsulta na sa doktor.

Umalingawngaw pa nga ang pangalan ni Miles sa nasabing serye dahil sa kaniyang natatanging pagganap bilang younger version ni Cherry Pie Picache.

MAKI-BALITA: Miles Ocampo, trending dahil sa makabagbag-damdaming pagganap sa ‘Batang Quiapo’

“‘Yong doktor ko, sinabi na ito ‘yong situation ko. Parang ayaw pa nilang sabihin ‘yong cancer sa akin, Miss Karen,” saad ni Miles.

“Pero it was ano, it was cancerous?” paniniyak ni Karen.

“Yes…malignant,” tugon ni Miles.

Noong una, hindi pa raw makapaniwala si Miles. Pero nang i-cancel na ang mga guesting niya at sumalang na siya sa operating room, doon na raw siya nagsimulang mag-panic at matakot dahil major operation ang gagawin.

Sa awa naman ng Diyos, tagumpay naman ang operasyon at ngayon nga ay ganap nang cancer-free si Miles.

“I’m cancer-free. But, ‘yon na nga, maintenance for life. ‘Yong meds ko habang-buhay na siya and doon na ako naka-base,” saad pa ni Miles.

Matatandaang Abril noong nakaraang taon ay nauna nang ibahagi ni Miles sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account ang tungkol sa kondisyon niya na kung tawagin ay ”Papillary Thyroid Carcinoma.”

MAKI-BALITA: Miles Ocampo ibinahagi ang kaniyang pinagdaanan sa kalusugan