Umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang balitang magkakaroon na ng kurso patungkol kay award-winning American singer-songwriter Taylor Swift sa University of the Philippines (UP) Diliman.

Ang "Taylor Swift course ay isang elective course na nakapokus sa nakatuon sa “conception,” “construction,” at “performance” ni Taylor bilang isang celebrity.

Matatalakay rin sa kurso kung paano ginagamit ang public persona ng singer-songwriter para ipaliwanag ang relasyon ng tao at media sa “class, politics, gender, race, at aspirations of success and mobility.”

Nakatakda raw na ituro ang elective course tungkol kay Taylor sa second semester ng academic year 2023-2024 sa ilalim ng BA Broadcast Media Arts and Studies program.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Tatawagin ang kurso na “BMAS 196 WWX – Celebrity Studies: Taylor Swift in Focus.”

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Bachelor of Science in Celebrity Studies, Major in Taylor Swift."

"Ay gusto ko mag-enroll hahaha."

"Tara na Swifties hahaha."

"Daming pwedeng gawing kurso na magagamit sa buhay ngayon. Finance, Business, Agriculture, at mga bagay na mas magagamit sa buhay. Mga makakatulong paunlarin ang buhay."

"ganda niyan, uunlad ang buhay natin sa kursong yan. ipagpatuloy niyo lang ang kaabnohan niyo UP"

"watda... It's ok to be a solid fan. Nothing is wrong with it pero yung isasama sa curriculum sa college. parang ibang usapan naman na po yun. under na ng course na Psychology yung labis na pagkahumaling o pagkahilig ng tao sa isang bagay o sa isang kapwa nya tao."

"Hahaha ang daming Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa pilipinas tapos si Taylor swift pa ang gagawan ng subject what an insult"

"Ay saya kaya. Her writings hit differently."

"I think dapat huwag na lang course? Gawin na lang topic."

Samantala, may mga nagbiro namang gawing propesor sa nabanggit na kurso ang Filipino-American comedian na si Jo Koy na kamakailan lamang ay umani ng kritisismo sa kaniyang pagbibiro kay Taylor Swift, sa hosting stint niya sa 2024 Golden Globes Awards.

"Sana gawing prof si Jo Koy."

"Jo Koy, bawi-bawi ka na Taylor hahaha."

"Si Jo Koy daw isa sa professors hahaha."

"Gawin n'yong prof si Jo Koy, hit 'yan."

MAKI-BALITA: ‘Heads up, Pinoy Swifties!’ UP, mag-ooffer na ng Taylor Swift course

MAKI-BALITA: Taylor Swift, ‘di natuwa sa hirit na joke ni Jo Koy?

MAKI-BALITA: Jo Koy, nasaktan sa mga basher: ‘It’s a tough gig’