Pinagkatuwaan ng mga netizen ang balitang gagawing second slot sa ABS-CBN Primetime Bida ang teleserye version ng "Linlang" nina Paulo Avelino, JM De Guzman, at Kim Chiu at naurong naman ang "Can't Buy Me Love" nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle sa third slot.

Ang Linlang ay talaga namang pinanggigilang serye ng mga manonood sa Prime Video noong 2023, partida at may subscription fee pa ito, kaya naman ngayong 2024 ay mapapanood na sa telebisyon ang pinag-usapan at laging trending na serye.

Kaya naman, maraming DonBelle fans ang pumalag sa pag-urong sa time slot ng CBML na patok na patok din naman sa mga manonood gayundin sa social media.

Nag-trending tuloy sa X ang "CBMLSAME TIME SLOT."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Katwiran nila, dapat daw Linlang ang nasa third time slot dahil mas maselan at talagang pang-adult ang paksa nito, kumpara sa CBML.

Kaya biro ng mga netizen, hindi na lang daw asawa ang inagaw ni "Juliana Lualhati" na ginagampanan ni Kim Chiu kundi pati time slot.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Juliana, hindi lang asawa inaagaw. Pati timeslot. Char!"

"Ano ba naman 'yan Juliana pati ba naman oras inaagaw mo na rin haha."

"This move is nothing new. Ginawa na yan ng ABS even before. Since mataas ang ratings ng BQ at pilot episode ng Linlang sa Free TV, they have to ensure na maki-carry over yung mataas na viewership ratings to Linlang and also introduce the new show sa wider audience, and since may following ang CBML, the management relies on that na susundan pa din ng tao ung show sa bagong oras. Hopefully kapag nakapag-establish na ang Linlang, i-switch na ulit ung timeslot sa original."

"I think dapat mag stay yung CBML sa second slot tapos sa 3rd slot yung Linlang kc mas mature and pang SPG yung Linlang while CBML is mas lighter yung atake ng kwento."

"Ilagay na lang sa hapon ang Linlang para may panggigilan ang mga tao haha."

"Paki-balik na lang po sa orig time slot please."

"Bakit naman dinulo ang DonBelle? Nakakaloka."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN tungkol sa desisyon nilang pagpalitin ang time slot ng dalawang serye.