Plano ng Germany na mag-hire ng mga skilled Pinoy worker kasunod na rin ng pagbisita ni German Foreign Minister Annalena Baerbock sa bansa kamakailan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

 

"Nagsabi ang Germany na hindi lamang nurses ang gustong kunin, kundi other skilled workers, including mga electrician, electrical engineer, mga iba’t iba pong trabaho, sa hospitality sector,” paliwanag ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.

Binanggit ni Cunanan, pumirma ang Pilipinas at Germany sa "joint declaration of interest” sa recruitment ng overseas Filipino workers (OFWs) kung saan nais ng pamahalaan na magkaroon "win-win situation" upang mapanatili ang pagpapadala ng mga manggagawa sa naturang bansa.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Sinabi rin ni Caunan na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang naglatag ng mga kondisyon upang matiyak na magkaroon ng labor shortage sa bansa.

PNA