Apat na pulis ang nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, ayon sa pahayag ng hepe ng Metro Manila Police nitong Biyernes.

Sa pulong balitaan sa Camp Bagong Diwa, Taguig nitong Biyernes, ipinaliwanag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., ang apat na pulis ay kabilang sa mga nakatalaga sa Metro Manila na isinailalim sa drug testing nitong Disyembre.

Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng apat na pulis--tatlo sa mga ito ay nakatalaga sa Eastern Police District habang ang isa ay naka-base sa regional office ng NCRPO.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Kaagad na kinumpiska ang service firearms at PNP identification (ID) cards ng apat na pulis habang isinasailalim pa sila sa masusing imbestigasyon.

Hindi kinumpirma ng opisyal kung sinibak na nito sa puwesto ang apat na pulis.