Iniimbestigahan pa rin ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang insidente ng sunog sa Tondo, Maynila nitong Huwebes na ikinasawi ng isang 22-anyos na babae.

Sa pahayag ng BFP, inaalam pa rin nila ang sanhi ng naganap na insidente sa Mayhaligue St., Barangay 262, Zone 23, Tondo na nagresulta sa pagkasawi ni Ashley Lorente, taga-nasabing lugar.

Sa paunang imbestigasyon, na-trap sa kanilang bahay si Lorente matapos sumiklab ang sunog sa katabing barung-barong na pag-aari ni Stephanie Ajedo nitong Enero 11 ng hapon.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Tumagal ng 30 minuto ang sunog na idineklarang fire out dakong 4:28 ng hapon.

Umabot sa 50 pamilya ang naapektuhan ng insidente na ikinaabo ng ₱50,000 halaga ng ari-arian.