Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang larawan ng halos 10,000 galaxies sa gitna ng malawak na espasyo ng universe.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng NASA na nakuhanan nila ang larawan ng libo-libong galaxies gamit ang Ultra Deep Field view ng Hubble Space Telescope.

“What would be a largely empty patch of sky to ground-based observatories, Hubble’s long exposure sees galaxies of all ages, shapes, and sizes from the early times of our universe,” anang NASA sa nasabing post.

Ayon sa NASA, ang pinakamaliliit na kulay pulang galaxy ay maaaring umiral na noong 800 milyong taong gulang pa lamang ang universe. 

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Medyo sinaunang mga elliptical at spiral galaxies daw ang mga ito na umunlad mga isang bilyong taon na ang nakalilipas.

“Galaxies interact, with gravitational fields twisting and turning their shapes, remnants of the universe’s chaotic youth,” paliwanag ng NASA.

Base naman sa larawan, inihayag ng NASA na ang kulay asul at berde ay tumutukoy sa mga galaxy na makikita ng “human eye.”

“Red represents near-infrared light, inviable to the human eye,” saad pa nito.