Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng madaling araw, Enero 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:04 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 80 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

5.9-magnitude na lindol, tumama sa Sultan Kudarat; sinundan ng malalakas pang pagyanig

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.