Para kay Rica Peralejo, hindi raw “immaturity” ang pag-unfollow ng mga tao sa social media.

Nangyari ang pahayag na ito matapos maiulat na inunfollow na ni Kathryn Bernardo ang kaniyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Maki-Balita: Moving forward na talaga! Kath, inunfollow na si Deej

Bukod pa kay Daniel, inunfollow din umano ni Kathryn sina Liza Soberano, Gillian Vicencio, at Julia Barretto.

Napapaisip tuloy ang mga netizen kung bahagi lang ito ng “moving forward” ni Kath o sadyang naglilinis lang siya ng following list.

Maki-Balita: Anong isyu? Kathryn, inunfollow sina Liza, Gillian, at Julia

Kaya ayon kay Rica, ang pag-unfollow ng mga tao sa social media ay hindi “immaturity.”

“To unfollow people on socmed is not immaturity. It is an issue of control. It is an act of agency,” aniya sa kaniyang Threads account nitong Huwebes, Enero 11.

“Especially when we unfollow abusers, gaslighters, or people we associate with the root of our oppression, it is then an empowering practice to say, even in a small way, that ‘You cannot do this to me anymore.’”

Matatandaang nauna nang inunfollow ni Kathryn ang pinakanakakaladkad sa kanilang hiwalayan ni Daniel na si “Senior High” Star Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang tatlong celebs na inunfollow ni Kathryn.