Inanunsyo ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na maaari nang makabili ang publiko ng facsimile ng original Spanish manuscript ng nobela ni Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere.”
Sa Facebook post ng NHCP nitong Miyerkules, Enero 10, ibinahagi nitong naglalaman ang original Spanish manuscript ng handwriting ng dakilang bayani.
“This is a facsimile (faithful reproduction) of the original Spanish manuscript as written by Jose Rizal – in his own handwriting; with his edits, corrections and deletions – as submitted to the typesetters of Berliner Buchdruckerei Aktiengesellschaft on March 1887,” anang NHCP.
Maaari naman daw makabili ang publiko ng facsimile ng Noli Me Tangere sa halagang ₱2,450.
“For orders and other queries, you may call the Property Section at tel. nos. (02) 5335-1209, Mondays to Fridays except for holidays, or email at [email protected]. You may also check the NHCP's Online Bookstore at https://nhcp.gov.ph/publication,” saad ng NHCP.
Ang Noli Me Tangere ay unang inilathala ni Rizal noong 1887. Ito ang prequel ng kaniyang nobelang El Filibusterismo na una namang inilathala noong 1891.