Nakakaloka ang naging rebelasyon ni Ogie Diaz sa naging usapan nila ng co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa January 9 episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update."

Matapos kasi nilang mapag-usapan ang tungkol sa legal battle na kinahaharap ngayon ng hiwalay na mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago, gayundin ang pagkaka-link ni Barbie Imperial kay Richard Gutierrez, ay napunta ang usapan kay Diego Loyzaga at sa partner nitong si Alexis Suapengco.

Pasabog ni Ogie, mula raw sa source niya, ang dalawa pala ay may tinatawag daw na "open-secured relationship."

Kaya tanong ni Ogie kay Diego, gaano raw katotoo na ganito ang label ng kanilang relasyon, meaning, kahit sila pa ay puwedeng mag-entertain o "tumikim" sa iba si Diego, pero si Alexis daw ay hindi puwede?

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

"Ayon sa narinig ko, pero tanong na rin natin kay Diego kung gaano katotoo na meron silang open-secured relationship ni Alexis?" sey ni Ogie.

"Ohhh... bago 'yon ah," bulalas naman ni Mama Loi.

"Ibig sabihin ng open-secured relationship, 'I will provide for you, pero let me entertain other girls.' Pero hindi kita pababayaan."

Sabi raw ng source ni Ogie na malapit kay Alexis, pumayag daw ito sa ganoong set-up basta't ibibigay ni Diego ang mga pangangailangan ng kanilang anak.

Kaya pumalag daw si Alexis nang paalisin daw sila ng kaniyang anak ni Diego para isama sa kanilang tinutuluyan ang bago nitong "girl."

Pero sabi ni Ogie, hindi lang daw isang bagong babae ang involved dito kundi marami pa.

Dagdag pa, ayaw naman daw ni Diego na may ibang lalaking dadalhin sa kanilang bahay si Alexis. Kaya naman napa-react at napatanong tuloy si Mama Loi kung "one-way" lang daw ba ang uri ng relasyon ng dalawa na tila pabor lang kay Diego.

Pero ayon daw sa source ni Ogie, sa panahon daw ng pakikipagrelasyon naman ni Alexis na isang yoga instructor at preschool teacher, ay wala itong ibang lalaki maliban kay Diego.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Diego tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.

MAKI-BALITA: Partner at baby nila, pinalayas ni Diego Loyzaga sa bahay?

MAKI-BALITA: Unbothered? Diego Loyzaga, may sagot daw sa akusasyon ng partner