Magpapatupad na ng electronic voting ang pamahalaan para sa mga Pinoy sa ibang bansa para sa idaraos na midterm elections sa 2025.

Ito ang isinapubliko ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia nitong Huwebes at sinabing ito na ang kauna-unahang pagkakataong gagamit sila ng electronic voting.

Aniya, bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng Comelec na maging high tech ang halalan sa bansa.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Dahil dito, hinikayat ng opisyal ang mga overseas Filipino worker (OFW) na samantalahin na ang registration upang makaboto sa 2025.

Sisimulan ang internet voting sa Abril 2025, ayon pa sa Comelec.