Nagpahayag ng pagsuporta si Senador Robinhood “Robin” Padilla sa Filipino-American comedian na si Jo Koy.

Sa isang Facebook post ni Padilla nitong Martes, Enero 9, sinabi niyang saludo raw siya sa komedyante.

“Mabuhay ka, maestro Jo Koy. Hindi sa lahat ng panahon ay tayong mga Pilipino ang ginagawang katatawanan. Saludo ako sa iyo,” pahayag ni Padilla. 

“Walang lahi. Walang kulay. Pantay-pantay lang tayo sa mundong ito. Walang superior. Walang inferior. Lalo sa mga jokes,” aniya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dagdag pa ng senador: “Pinoy ang nailagay na host. ‘Wag maging sensitibo ang mga puti sa sarili nilang style ng jokes. Bato-bato sa langit tamaan wag magalit. It’s a joke.”

Sa huli, sinabi rin ni Padilla na lalo pa raw pinasikat si Jo Koy ng kaniyang mga basher.

“More power pinoy heavy weight!!” pahabol pa niya.

Sumang-ayon naman ang maraming netizen sa pahayag na ito ni Padilla. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

“Tutoo mga yaan ! Proud Pinoy kami dito sa Wayne New Jersey ! Mabuhay si Jokoy!”

“When they makes fun of us Filipinos, it’s ok with them, but if Filo ang gumawa ng ganun s knila, Di Nila matanggap. We’re proud of you Jo Koy!!!”

“Mabuhay ka Jokoy❤️”

“Tama ka idol, time na tayo naman manunog....Kung baga sa kapampangan..Meduluk la! hahhaha. Good one Jokoy”

“So true. Proud of him & made the Filipinos proud for the first time in Hollywood a Filipino hosted one of the most Hollywood prestigious award. History is made!! Long live the Philippines and Filipinos!!”

“He did great but the audience he has not great they are on different level”

Matatandaang nag-host si Jo Koy sa Golden Globe Awards kamakailan at marami ang hindi natuwa sa kaniyang mga binitawang biro.

Sa katunayan, pati si multi-Grammy award-winning American singer at songwriter Taylor Swift ay napuntirya din ng mga hirit ng komedyante.

MAKI-BALITA: Taylor Swift, ‘di natuwa sa hirit na joke ni Jo Koy?