Pinalagan ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang mga sinisisi ang 1987 Constitution sa problema ng kahirapan at kawalan ng disenteng trabaho ng mga Pilipino sa bansa.

Sa kaniyang Facebook post nitong Martes ng gabi, Enero 9, ibinahagi niya ang kaniyang pananaw hinggil sa bagay na ito.

“May ilan na sinisisi ang 1987 Constitution sa problema ng kahirapan at kawalan ng disenteng trabaho sa bansa. Dapat daw baguhin ang Konstitusyon at hayaan ang 100% foreign ownership ng lupa, likas na yaman, at iba pa para ‘makatulong’ ang mga banyaga sa pagpapabuti ng ekonomya ng Pilipinas,” saad niya.

Binanggit din ni Manuel ang tungkol sa isyu ng West Philippine Sea. Ayon sa kaniya, kung tuluyan ibubuyangyang ang bansa sa mga dayuhan, mawawalan umano ng saysay ang pakikipaglaban mga sa likas na yaman na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dagdag pa kongresista: “Bakit Konstitusyon ang sinisisi sa kahirapan kung kaya din naman ng administrasyon na taasan agad ang sahod ng mga manggagawa at kontrolin ang presyo ng mga batayang bilihin nang HINDI binabago ang Konstitusyon?”

Matatandaang umere nitong Martes, Enero 9, sa halos lahat ng major TV networks ang isang patalastas tungkol sa pagkabigo umano ng nasabing konstitusyon na paunlarin ang buhay at pamumuhay ng mga Pilipino.

MAKI-BALITA: ‘Edsa-pwera tayo!’ TV ad kontra 1987 Constitution, usap-usapan