Ibinahagi ni “FPJ’s Batang Quiapo” star McCoy De Leon ang ilang kuhang larawan at video matapos niyang dumalo sa Traslacion 2024.

Sa Instagram post ni McCoy nitong Martes, Enero 9, sinabi niya kung ano ang kaniyang nasa isip noong oras na muli niyang nakaharap ang Poong Nazareno.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

View this post on Instagram

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

“Noong oras na nakita ko siya't mahawakan ulit matapos ng maraming taon, wala ako masabi kundi ‘Salamat Poong Nazareno’,” saad ni McCoy. 

“Tanging nasa isip ko lang nung kaharap ko siya ang mga mahal ko sa buhay at ang pamilya ko,” dagdag pa niya.

Sa huli, sinaluduhan ni McCoy ang mga kaniyang mga kapuwa deboto dahil sa matinding pananampalataya ng mga ito.

“Sa mga kapatid ko na deboto saludo ako sa tindi ng pananampalataya niyo walang nagbabago. Viva Poong Nazareno!” aniya.

Marami namang netizen ang natuwa sa pagiging deboto ni McCoy sa Itim na Nazareno. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

"God bless you and @elissejosonn and baby Felize! Just continue your faith to Mahal na Poong Nazareno. 🙏🏻💜"

"Naiiyak ako habang tinititigan ko ang Larawan nyo.pictures show’s how humble you are.sana Madame pang kabataan tulad mo❤️@maccoy"

"iba tlga kapag di nakakalimut ❤️❤️❤️ More blessings to come Mccoy and sa family mo ❤️❤️❤️"

"Ka-FAITH lang Idol 😇"

"Ay lalo kitang minahal"

"Nawala ang inis ko sayo David😂 sge na nga bati na tayo😂wag mo lng awayin si tanggol"

"Wow, i salute the faith of your Daddy McCoy with the Black Nazarene, the powerful icon that gives whoever or whatever you ask for Jesus, His miraculous image."

"Pareho pala kayo ni Tanggol na deboto"

"So much love and respect for you and your bb❤️❤️❤️❤️❤️"

Ang Pista ng Itim na Nazareno ang isa sa mga pagdiriwang na dinadaluhan ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang dako ng bansa na ginaganap sa Quiapo sa Maynila tuwing ika-9 ng Enero taun-taon.

MAKI-BALITA: Ang Itim na Nazareno sa buhay ng mga debotong Pilipino