Ipinagtanggol ng social media personality na si Xian Gaza ang aktor na si Diego Loyzaga hinggil sa isyung pinalayas nito sa bahay ang kaniyang partner at baby.

Matatandaang kumalat sa social media at pinagpiyestahan ang ilan sa Instagram stories ng sinasabing partner ni Diego na si Alexis Suapengco, na nagsisiwalat na umano’y pinalayas sila ng aktor sa bahay kasama ang anak nilang si Baby Hailey, at ang dahilan daw ay dahil sa ibang bebot o babae.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Maki-Balita: Partner at baby nila, pinalayas ni Diego Loyzaga sa bahay?

Sa isang Facebook post, in all caps pa, naglabas ng pahayag si Gaza tungkol sa ‘pinalayas’ isyu nina Diego at Alexis.

Sabi ni Gaza paano raw palalayasin ni Diego ang kaniyang mag-ina kung wala naman ito puder ng aktor.

Nagkaroon din daw ng mutual decision sina Diego at Alexis noong Disyembre na titira na ulit si Alexis sa mga magulang nito dahil toxic na umano ang pagsasama nila.

“ANO KAMO? PINALAYAS KAYO NI DIEGO SA BAHAY? PAANO KAYO PAPALAYASIN KUNG SIMULA'T SAPUL NA DUMATING KAYO NG PINAS EH NAKATIRA YUNG BATA SA BAHAY NG PARENTS MO? SAAN NANGGALING YUNG NARRATIVE NA PINALAYAS KAYO EH WALA NAMAN SA PUDER NI DIEGO YUNG BATA HA?” sey ni Gaza.

“NAGKAROON KAYO NG MUTUAL DECISION LAST DECEMBER THAT STARTING JANUARY 1ST, TITIRA KA NA ULIT SA PARENTS MO TOGETHER WITH YOUR DAUGHTER DAHIL SOBRANG TOXIC NIYO NG DALAWA AND YOUR PARENTS STRONGLY SUPPORTS THIS DECISION. SO TELL ME, BAKIT MO SASABIHIN NA PINALAYAS NI DIEGO YUNG SARILI NIYANG ANAK PARA MAKAPAMBABAE KUNG EVER SINCE NUNG UMUWI KAYO NG PILIPINAS EH HINDI NAMAN PALA NAKATIRA KAY DIEGO YUNG BATA HA?” dagdag pa niya.

Isiniwalat din ng social media personality na nakapagbibigay naman daw si Diego ng financial support at nahihiram pa nga nito ang bata sa mga magulang ni Alexis.

“BAKIT MO SINISIRAAN SI DIEGO SA PUBLIKO AT PINAPALABAS NA WALANG KWENTA SIYANG AMA? WHY? WHAT'S THE MATTER? GOODS NA GOODS NAMAN ANG CO-PARENTING SETUP NIYO. NAHIHIRAM NI DIEGO YUNG BATA SA PARENTS MO FROM TIME TO TIME AT NAKAKAPAGBIGAY NG MAAYOS NA FINANCIAL SUPPORT. BAKIT BIGLANG GANUN ANG PRESS RELEASE MO OUT OF NOWHERE,” ani Gaza.

Dagdag pa niya, “I DON'T KNOW WHAT'S GOING ON INSIDE YOUR HEAD RIGHT NOW AT SINO BA NAMAN AKO PARA HUSGAHAN KA? ANG AKIN LANG, DON'T RUIN DIEGO'S NAME AND CAREER. HUWAG MO SIYANG SIRAAN. HUWAG MO SIYANG GAWAN NG KWENTO.”

Sa huling parte, sana raw matigil na ang isyu dahil ayaw niyang maglabas pa ng iba pang pruweba.

“AND I HOPE WE STOP THIS ISSUE FROM THIS POST. AYAW KO NG MAGLABAS PA NG KUNG ANU-ANONG PRUWEBA AT BAKA UMABOT PA TAYO SA MGA BAGAY NA HINDI NA DAPAT MALAMAN NG PUBLIKO.”

Samantala, wala pang opisyal na tugon, reaksiyon, o pahayag si Diego sa mga akusasyon sa kaniya ni Alexis. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.