Pumalo na sa record-breaking level na ₱1,069 bilyon ang ticket sales ng sampung entries ng 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) mula noong Linggo, Enero 7.

Sa isang press conference nitong Martes, Enero 9, sinabi ni Atty. Don Artes, acting chairman ng Manila Development Authority (MMDA) at concurrent overall chairman ng MMFF, na nalampasan na ng entries ngayong taon ang ₱1.061 billion record ng MMFF entries noong 2018.

Ito ay kahit na humigit-kumulang 800 cinemas lamang daw ang nabuksan ngayong taon, kumpara sa 1,200 cinemas noong 2018.

Ayon kay Artes, ang kalidad ng sampung entries ngayong taon at ang mga bagong moviegoers ang naging dahilan ng tagumpay ng 2023 MMFF.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“We received reports that moviegoers watched multiple films while others watched films repeatedly,” ani Artes.

“Hopefully, we can sustain this beyond the festival so that our film producers can offer quality movies all year round. We also encourage filmmakers to create better films for the MMFF’s 50th edition,” dagdag pa niya.

Samantala, pinalalakas na rin daw ng MMFF Committee ang pagsisikap nito para sa Manila International Film Festival (MIFF), kung saan ipalalabas ang sampung 2023 film festival entries sa Los Angeles, California, USA, mula Enero 29 hanggang Pebrero 2, 2024.

Pagkatapos ng naturang tagumpay ng 49th MMFF, plano raw ng mga opisyal para sa 50th MMFF ang magsagawa ng iba pang mga aktibidad, tulad ng student short film caravan, short film festival, paglalathala ng coffee-table book, at “Cine 50,” kung saan ang nangungunang 50 MMFF films para sa huling 49 na taon ay ipapalabas sa mga piling sinehan para sa halagang ₱50.

“We are expecting to feature bigger and better films for our 50th edition as we celebrate the cinema-goers return to theaters and patronize local movies,” saad ni Artes.

Ang 10 pelikula sa lineup ng pelikula ngayong taon ay: “A Family of 2 (A Mother and Son Story),” “(K)Ampon,” “Penduko,” “Rewind,” “Becky and Badette,” “Broken Heart’s Trip,” “Firefly,” “GomBurZa,” “Mallari,” at “When I Met You in Tokyo.”

Matatandaang inihayag ng MMDA noong Linggo, Enero 7, na pinalawig ng MMFF ang theatrical run ng 10 entries nito hanggang sa Enero 14, 2024.

MAKI-BALITA: MMFF, pinalawig theatrical run ng 10 entries nito