Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Enero 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:08 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 106 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 34 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Matatandaang kanina lamang 4:48 ng umaga ay isang magnitude 6.7 na lindol din ang yumanig sa Balut Island sa Sarangani.