Usap-usapan ang Instagram stories ng isang nagngangalang "Alexis Suapengco" matapos niyang isiwalat ang umano'y ginawa sa kaniya ng partner na si Diego Loyzaga.

Matatandaang napabalitang isa nang ganap na ama si Diego at buong pagmamalaki naman niya itong inamin at ipinakita sa publiko.

Hindi pinangalanan o tinukoy ni Diego ang pagkakakilanlan ng kaniyang partner, subalit malinaw na non-showbiz ito.

At isang araw nga ay kumalat na sa social media at pinagpiyestahan ang ilan sa Instagram stories ng sinasabing partner ni Diego na si Alexis, na nagsisiwalat na umano'y pinalayas sila ng aktor sa bahay kasama ang anak nila, at ang dahilan daw ay dahil sa ibang bebot.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

“SO MY BABY DADDY @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over," ayon sa text caption ni Alexis.

Ang tinutukoy na "girl" ay may pangalang "Cecile Mendoza."

Nagbanta pa umano si Diego na kapag hindi niya itinigil ang ginawang pag-iingay sa social media ay ihihinto nito ang pagbibigay ng sustento sa kanilang anak.

"@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw (may clapping hands emojis) ok boy bye,” mababasa sa text caption.

MAKI-BALITA: Partner at baby nila, pinalayas ni Diego Loyzaga sa bahay?

Dahil kalat na ang ginawa ng partner, usap-usapan naman na tila "unbothered" daw ang aktor sa mga akusasyong ibinabato sa kaniya ni Alexis.

Iniugnay naman ng mga netizen na ang Instagram story niyang photo na may nakalagay na "Trouble in Paradise" ang subtle way na sagot niya sa mga isyung ibinabato sa kaniya ngayon.

Photo courtesy: Diego Loyzaga (IG)

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Like father like son."

"Pano mo to lulusutan BOY? SOS!"

"The apple doesn't fall far from the tree."

"How true na pinalayas niya yung mag-ina niya dahil may bago siyang girlaloo?"

"Lahat talaga ng lalaki, pare pareho."

Matatandaang sinabi ni Diego sa panayam sa kaniya ni Toni Gonzaga sa "Toni Talks" na hindi siya naniniwala sa kasal, na inulan naman ng samu't saring reaksiyon at komento.

MAKI-BALITA: Diego Loyzaga, sinabihang ‘red flag’ dahil sa saloobin tungkol sa kasal

MAKI-BALITA: Diego Loyzaga ‘di naniniwala sa kasal: ‘It’s a piece of paper’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Diego sa mga akusasyon sa kaniya ni Alexis. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.