Marami ang nagre-react na mga netizen sa bagong titulo ng noontime show ng TAPE, Inc. na umeere sa GMA Network at dating "Eat Bulaga!"

Sumunod na kasi sa atas ng korte ang TAPE na hindi na nila puwedeng gamitin ang pamagat, logo, at jingle nito matapos manalo ng TVJ sa asunto kaugnay nito.

Enero 6, 2024 ay tuluyan nang pinalitan ang pangalan ng "Eat Bulaga!" at ginawang "Tahanang Pinakamasaya" na mula sa kinakantang jingle ng mga host.

Sa "E.A.T." naman ay tuluyan na nilang ginamit ang "EAT... Bulaga!" pati na ang jingle nito.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kaya naman, marami sa mga netizen ang nagsabing maganda naman ang pamagat at Pinoy na Pinoy. Sana nga lang daw ay matagal na nila itong ginawa.

"Wala sa title yan kundi sa substance. The show must have an overall appeal to the audience. Kapag magagaling at credible ang hosts, magaganda at may originality ang mga segments ng shows, ang mga contests ay tunay na nakakaaliw at inspiring, dapat generous sa pagbibigay prizes at hindi boring o baduy ang concept at pagdadala ng mga host ng show. Yan ang formula para tumaas ang rating at tumagal sa ere ang show."

"Siyempre happy padin ako bilang taga hanga sa channel 7 & thankful padin ako mga propesyonal na artist padin ang napili ni Tape inc and Happy padin ako nasa maayos na channel padin ang buong cast ng TVJ."

"Okay na din kaysa mang angkin ng tittle na di naman sa kanila."

"ok.na yan kesa gaya gaya show"

May mga nagsabi namang walang dating o arrive ang pamagat nito, at tila hindi na raw pinag-isipan.

"Sunday pinasaya FEELS haha"

"Parang Sunday Pinasaya na araw-araw hahaha."

"Wala na bang ibang maisip?"

"Parang ang bantot hahaha."

"No arrive, isip-isip naman."

Isa sa mga nagbigay ng kaniyang personal na opinyon tungkol dito ay si Ogie Diaz.

"Pero ako ha, sa totoo lang Mama Loi ha, kahit positive ang dating ng bago nilang title na 'Tahanang Pinakamasaya,' nakukulangan pa rin ako sa dating! Sariling opinyon ko ito ha. Puwede silang mag-iba ng title, tutal established naman na 'yon eh. 'Yong show, 'yong mga host, nando'n na, title lang naman 'yan," ani Ogie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng TAPE tungkol sa inookray na pamagat ng noontime show.