Papayagang sumakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang mga nakayapak na deboto simula, Lunes (Enero 8) hanggang Martes (Enero 9) bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, ayon sa anunsyo ng LRT Administration nitong Lunes.
Gayunman, hindi nilinaw ng LRTA kung libre ang serbisyo nito sa mga deboto sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.
"Ang naturang inisyatibo ay pagkilala ng LRTA sa kultura at relihiyon ng mga commuter," anang LRTA.
Metro
Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!
Layunin din nitong matiyak ang maayos na biyahe ng lahat ng pasahero sa mga nabanggit na araw.
Mananatili ang regular na operasyon ng LRT-2 kung saan ang unang biyahe nito ay sa Recto at Antipolo Station dakong 5:00 ng madaling araw habang ang huling biyahe sa mga nasabi ring istasyon ay 9:00 ng gabi at 9:30 ng gabi, ayon sa pagkakasunod-sunod.