Tila pasaring ang laman ng latest post ni “Eat Bulaga” host Joey De Leon sa bagong pangalan ng noontime show ng “Television and Production Exponents Inc.” o TAPE Inc.

Sa Instagram account ni Joey nitong Lunes, Enero 8, makikita ang kaniyang larawan habang may hawak na isang uri ng lamang-dagat.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

View this post on Instagram

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

“EAT na este, EAT BULAGA NA! Tanghaliang Pinakamasarap! 🦀” saad niya sa caption ng naturang post.

Matatandaang naipanalo na nina Joey ang laban sa TAPE, Inc. kaugnay sa trademark case ng “Eat Bulaga”.

MAKI-BALITA: TVJ, nanalo sa ‘EB’ trademark case vs. TAPE

Noong Disyembre ay nauna nang ipinawalang-bisa ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!”

MAKI-BALITA:  Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na

Kaya naman, sumuko na ang kabilang panig at tuluyan nang pinalitan ang titulo ng kanilang noontime show.

MAKI-BALITA: ‘Eat Bulaga’ ng TAPE sumuko na, nagbago na ng pangalan

Pero marami ang nadismaya at hindi nagandahan sa “Tahanang Pinakamasaya” na pangalan ipinalit ng TAPE, Inc. sa kanilang noontime show.

MAKI-BALITA: Rendon, inokray bagong title ng show ng TAPE: ‘Yan pa talaga naisip n’yo?’

Sa katunayan, mas may dating pa nga raw ang “Tahanang Pinakasamarap” na naisip ni Joey sa caption ng kaniyang post ayon sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon: 

“Hinde ako mapanglait na tao..ngay lang!!! Ang pangit ng title ng tape sa totoo lang!!! Nako tape hinge kayo ng SOS kay Mr.Joey "Henyo Master", pagawa kayo ng title ninyo sa kanya!!! Oo nga pala magpadrawing narin kayo sa kanya hwag kayo magcopy paste lang!!! NGAYon alam na namin reason kung bakit ayaw ninyong magpalit ng title...😱😫😩”

“Mas may dating pa yung Tanghaliang Pinakamasarap 😂🤭”

“tanghaling pinakamasarap bwahahaha🤣🤣🤣”

“Mas-pinakamasarap nga ka Joey. Eat Bulaga forever from California.”

“TANGHALIANG PINAKAMASARAP..EAT BULAGA!!!👍”

“Parang travel agency yung logo ng kabila😂😂😂😂”

“@angpoetnyo idol kaya pala ayaw bitiwan “Eat Bulaga” sa kabila walang alam ipalit na title kundi tahanang wlang kwenta 😂”

“HAHAHAHA Pang linggo ng wika ang logo🤭 magpapalit din pala sila, pinatagal pa kse.”