Kasado na ang face-to-face oathtaking para sa mga bagong geodetic engineer ng bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Enero 8.

Sa Facebook post ng PRC, inihayag nitong magaganap ang in-person oathtaking sa darating na Enero 17, 2024 dakong 5:00 ng hapon sa Grand Menseng Hotel, Davao City.

“All successful examinees interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register no later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” pahayag ng PRC.

“Inductees are required to PRINT the Oath Form with their own generated QR. This will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.

National

Sen. Bato, nanghihinayang sa UniTeam: ‘Para nating binudol yung taumbayan’

Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking. 

Iaanunsyo raw ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph,” saad ng PRC.