Sumalang si “GomBurZa” star Cedrick Juan sa latest vlog ni ABS-CBN news anchor Bernadette Sembrano noong Sabado, Enero 6.

Sa isang bahagi ng panayam, inusisa ni Bernadette ang tungkol sa kung ano ang nais maging ambag ni Cedrick sa pinili nitong craft which is pag-arte

Ayon kay Cedrick, gusto raw niyang maibalik ang core values sa mga tao gaya ng integridad.

“Kahit walang nakakakita sa atin na maraming tao, kahit sa mga small ways natin, ginagawa natin ang makakatulong sa community,” saad ni Cedrick.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Or as much as possible, let’s try not to use ‘yung mga disposable na mga gamit. Kung pwedeng magdala ng mga, life for example, ito [tumbler] for water para hindi tayo bili nang bili ng mga plastic bottles,” aniya.

Dagdag pa niya: “Walang ibang mag-aalaga sa Mother Earth kundi tayo.”

Gayundin, simula raw noong makapasok si Cedrick sa Pawssion Project, isang non-profit organization na kumukupkop at sumasaklolo sa mga hayop, napagtanto niyang hindi lamang tao ang mahahalagang nilalang na naninirahan sa mundo.

“We need to co-exist with our nature and also sa animals. Kasi kung tutuusin nga, may realization ako na tayo ‘yung may kailangan sa kanila—sa animals and sa nature. Pero tayo, they can live without us,” pahabol niya.

Patunay ang lahat ng ito na hindi lamang mahusay na aktor si Cedrick, malaki rin ang puso niya sa mundo at sa mga nilalang na umiiral kasama nito.

In fact, noong itanghal siya bilang “Best Actor” sa Gabi ng Parangal 2023 Metro Manila Film Festival, inialay niya ang nasabing tagumpay sa mga Pilipinong patuloy na nakararanas ng inhustisya.

MAKI-BALITA: Cedrick Juan, inalay ‘Best Actor award’ sa mga Pinoy na nakararanas ng injustice