San Mateo, Isabela — Patay ang 97-anyos na babae dahil sa sunog sa Purok 3, Brgy. Sinamar Norte rito nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Saturnina Guray, bedridden.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Base sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad na bago mangyari ang insidente, naglalaro umano ng lighter ang isang 5-anyos na lalaki sa loob ng bahay.

Sinabi rin sa ulat na sinindihan umano ng menor de edad ang kurtina na naging sanhi agarang pagkalat ng apoy.