Ibinahagi ng Kapamilya star na si Ivana Alawi na masaya na ang puso niya ngayon dahil sa isang non-showbiz boyfriend.

Sa panayam ng TV Patrol kay Ivana, sinabi niyang nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon subalit masasabi niyang masaya naman sila.

"My heart is happy. Ayaw ko namang sabihin na super happy kasi siyempre start pa lang so, happy,” aniya.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye si Ivana tungkol sa identidad ng kaniyang jowa. Aniya, mas magandang nasa pribado na lang ang kaniyang relationship sa kaniya. Inamin din ni Ivana na selosa siya at hindi magwo-work para sa kaniya kung taga-showbiz din ang makakarelasyon niya, lalo na sa nature ng trabaho nila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Natanong naman si Ivana kung ano ang mga katangian ng jowa na nagpatibok sa kaniyang puso at tumapos sa pila sa kaniya.

“Alam mo ang nagustuhan ko? Wala siyang kayabang-yabang," aniya.

Biro pa ni Ivana, baka papunta na sa pag-aasawa ang kanilang relasyon.

Anyway, ngayong wala na sa eksena si Lovi Poe sa "FPJ's Batang Quiapo" ay mukhang na kay "Bubbles" (karakter niya) na ang korona na maging leading lady ni Tanggol played by Coco Martin.

MAKI-BALITA: Lovi Poe, namaalam na sa Batang Quiapo