Iginiit ni Senator Francisco Tolentino ang abot-kayang modernisasyon para sa mga public utility vehicle gaya ng jeepney.

Sa programa ni Tolentino sa DZRH nitong Sabado, Enero 6, nakapanayam niya ang may-ari ng Francisco Motors na si Elmer Francisco.

Napag-usapan sa nasabing panayam ang produkto ng Francisco Motors na maaaring alternatibo para sa mga traditional jeep na nagkakahalaga lamang ng ₱985,000 bawat isa.

Hindi hamak na mas mura ito kumapara sa modern jepp na iminumungkahi ng pamahalaan na ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay umaabot sa 1 hanggang 3 milyong piso.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Tayo po ay naglabas ng prototype noong 2018 pa kasama ng Department of Transportation pati ng LTFRB [Land Transportation Franchising and Regulatory Board],” ani Francisco.”

“Ito po ay sumusunod sa Philippine National Standards. Nakakatayo na po sa loob niyan…Ang pinto nasa harap na. Sa front of right side for safer embarkation and disembarkation. Sa likod mayroon pa rin ‘yang emergency exit,” saad niya.

Dagdag pa niya: “It doubles entrance for PWD passengers passengers…Then airconditioned na rin ‘yan. Then mayroon tayong four channels na CCTV camera. Then mayroon tayong dashcam…at higit sa lahat, ang disenyo natin pinanatili natin ‘yung iconic look na parte na ng ating kultura.”

Kaya sa isang bahagi ng panayam, sinabi ni Tolentino na: “Kailangan ng modernization na tutugma sa bulsa ng mga tsuper at operators.” 

Matatandaang katapusan ng Disyembre noong nakaraang taon itinakda ang deadline para sa jeepney phaseout at ayon mismo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay wala na umanong extension pang mangyayari.