Naglabas ng safety guidelines ang Philippine Red Cross para sa gaganaping Traslacion 2024 sa darating na Martes, Enero 9.

Ayon sa humanitarian organization nitong Linggo, Enero 7, inaasahan daw na aabot sa dalawang milyong tao ang dadalo sa Pista ng Itim na Nazareno.

“At least two million people are expected to join the Feast of the Black Nazareno on January 9 as the traditional Traslacion will resume this year after a three-year hiatus due to the COVID-19 pandemic,” pahayag ng organisasyon.

Kaya naman, narito ang kanilang ilang paalala habang idinadaos ang nasabing pagdiriwang:

National

FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

  • Wear your facemask
  • Always observe physical distancing
  • Bring food and water
  • Wear comfortable clothes
  • Bring a medicine kit
  • Just bring enough cash and avoid bringing valuables
  • Sanitize regularly
  • In case of emergency, go to the nearest Philippine Red Cross First Aid station

“Remain vigilant and prioritize your well-being to have a safe and peaceful Traslacion!” pahabol ng PRC.

Ang Pista ng Itim na Nazareno ay taun-taong dinadagsa ng mga debotong Pilipino para magpasalamat at humiling ng katuparan sa kanilang mga pangarap sa buhay.

MAKI-BALITA: Ang Itim na Nazareno sa buhay ng mga debotong Pilipino