Matapos ang pagpapalit ng pangalan ng "Eat Bulaga!" sa "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc. at GMA Network, at paggamit na ng "EAT... Bulaga!" ng TVJ sa TV5, binalikan ng mga netizen ang TV host-actor na si Paolo Contis.

Si Paolo kasi ang tila naging "spokesperson" ng management noong Disyembre 6 para sabihin sa mga manonood na hindi pa tapos at mahaba pa ang laban kaugnay ng issue sa copyright at trademark ng pinag-aawayang titulo, logo, at theme song ng noontime show.

“Magandang tanghali! Nakaputi ako ngayon, iba ang outfitan ko ngayon pero simple lang ang gusto kong sabihin para sa ating mga Kapuso. Mga Kapuso, mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin, legally, wala pang final. Okay? ,” pahayag ni Paolo.

“Pero ito lang po ang pangako namin, ano man ang mangyari, ang nasimulan po namin na tulong at saya ay itutuloy lang po namin araw-araw. Dahil ‘yun naman po ang dahilan kung bakit kami pumapasok araw-araw. Kayo po ang dahilan kaya nandito kami,” saad pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

MAKI-BALITA: Paolo Contis sa isyu ng EB trademark: ‘Mahaba pa ang laban’

Matatandaang ipinawalang-bisa na ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!”

MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na

Pero bago pa man ito, naglabas ng resibo noong Agosto ang TAPE na nauna silang magpa-renew ng “Eat Bulaga!” trademark sa IPOPHIL bago pa man ang paghahain ng reklamo ng Petitioners na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ tungkol dito.

MAKI-BALITA: Ni-renew ng 10 taon: ‘Eat Bulaga!’ trademark pagmamay-ari ng TAPE, Inc.

Noong Enero 5, 2024 lumabas na ang hatol ng Marikina Regional Trial Court Branch 273 tungkol sa kaso na pumapabor sa TVJ.

MAKI-BALITA: TVJ, nanalo sa ‘EB’ trademark case vs. TAPE

Nagbunyi hindi lamang ang TVJ at Dabarkads hosts kundi maging ang mga legit Dabarkads viewers nang gamitin na sa "E.A.T." ang buong pamagat na "EAT... Bulaga!" pati na ang original theme song nito, matapos matalo ang TAPE, Inc. sa kaso laban sa trademark at copyright ng nabanggit na noontime show.

Makikita sa Saturday episode, Enero 6, na nakasuot ng pulang damit ang hosts na may nakalagay na "EAT... Bulaga!"

Kinanta rin nila ang theme song nila na matagal na ring hindi naririnig mula sa kanila.

Nagpalit na rin ng cover photo sa kanilang Facebook page na ang nakalagay ay "EAT... Bulaga!"

MAKI-BALITA: TVJ bitbit na ulit ang ‘EAT… Bulaga!’ at kinanta ang theme song

Ang noontime show naman ng TAPE, Inc. ay nagpalit na rin ng pangalan, logo, at maging theme song.

MAKI-BALITA: ‘Eat Bulaga’ ng TAPE sumuko na, nagbago na ng pangalan

MAKI-BALITA: TAPE sa bagong pangalan ng noontime show: ‘It feels like Day 1’

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens pahaging kay Paolo Contis.

"Oh ano ka ngayon Paolo? Nasaan ang sinasabi mong mahaba pa ang laban? Tapos na ang laban! White flag na!"

"Kung dati n'yo pa ginawa 'yan eh di sana wala na problema?"

"Laban Atty. Paolo, laban!"

"Anyare Atty. Paolo Contis sabi mo mahaba pa laban..."

"Kay lalakas kasi ng loob na magsalita na mahaba pa raw ang laban. Kaya ayon, tinapos na! Anong masasabi nyo Paolo contit!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Paolo kaugnay nito.