Kakasuhan na ng pulisya ang isang 42-anyos na lalaking nagbantang bobombahin ang Quiapo Church nitong Enero 5.

Kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 (Anti-Bomb Joke Law) ang isasampa sa korte laban kay Dennis Garcia, 42, taga-Quezon City.

Sa report ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang insidente ay naganap sa loob ng Minor Basilica of the Black Nazarene nitong Biyernes.

Metro

Grade 10 student, nanggulpi, nanaksak ng Grade 8 student

Sa pahayag ng testigo na si Michael Tamayo, 38, nakita niya ang suspek habang sumisigaw na pasasabugin nito ang simbahan.

Dahil dito, nag-panic ang mga nagsisimba kaya't agad na humingi ng police assistance ang testigo na nagresulta sa pagkakaaresto ni Garcia.

Nakapiit na sa Manila Police District-Station 3 (Sta. Cruz) ang suspek, ayon pa sa pulisya.