Nagpahayag ng paghanga ang actress-politician na si Aiko Melendez sa karakter na ginampanan ni Megastar Sharon Cuneta sa “Family of Two (A Mother and Son Story)”.

Sa Instagram story ni Aiko nitong Sabado, Enero 6, sinabi niyang pinaiyak siya ni Sharon at ang mga kasama niya dahil sa natatangi nitong pagganap sa pelikula. 

“Dearest Ate [Sharon Cuneta], you made us all cry, smile, and appreciate mother’s more,” ani Aiko. 

Matatandaang isa ang pelikula ni Sharon sa sampung kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal

Kasama niya rito si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards at si Miles Ocampo na ginawaran bilang Best Supporting Actress sa ginanap na 2023 MMFF Gabi ng Parangal.

MAKI-BALITA: Alden Richards, Sharon Cuneta magsasama sa pelikula

MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal

Samantala, usap-usapan kamakailan na binabalak umanong i-extend ang 2023 MMFF dahil sa naging magandang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga pelikula ng nasabing film festival.

MAKI-BALITA: MMFF 2023, posibleng ma-extend?

Sa katunayan, umakyat na sa ₱700 million ang total gross ng 10 pelikulang nagsalpukan sa takilya. Hindi hamak na mas malaki ito kumpara sa kinita ng mga pelikula noong nakaraang taon na umabot lang sa ₱500 million.

MAKI-BALITA: Total gross ng MMFF 2023 umabot na sa ₱700M