Umapela ang environmental watchdog group na EcoWaste Coalition sa mga deboto na iwasan o kaya ay bawasan ang pagtatapon ng basura sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ang mga miyembro ng grupo ay nagsagawa ng programa sa labas ng Quiapo Church, tampok ang pagbibigay ng tips para sa malinis at walang kalat na selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno.
Paliwanag ng grupo, dapat iwasan ang paggamit ng mga disposable na plastic at plastic tarpaulin at iba pang single-uses plastic.