Emosyunal si Bossing Vic Sotto sa latest episode ng “Eat Bulaga” nitong Sabado, Enero 6, matapos muling basahin ni dating Senador Tito Sotto ang desisyon ng Marikina Regional Trial Court Branch 273 tungkol sa trademark case ng nasabing programa.
“Tayo po ay sumunod sa batas at kumapit sa katotohanan. Isa lang po ang sinasabi ng batas pati ng mga manonood, isa lang ang pwedeng tawaging ‘Eat Bulaga’,” saad ni Vic.
“Isa lang ang pwedeng tawaging ‘Eat Bulaga’ at ‘yun ang ‘Eat Bulaga’ dito sa TV5,” aniya.
Nagpasalamat naman ang isa pa nilang co-host na si Joey De Leon sa lahat ng naniniwala at sumusuporta sa kanilang laban.
“Thank you sa mga legit Dabarkads saan mang panig kayo ng daigdig. Maraming salamat,” pahayag niya.
Matatandaang una nang inanunsiyo nina Tito, Vic, at Joey ang tungkol sa pagkapanalo nila sa nasabing kaso sa pamamagitan ng isang Facebook live nitong Biyernes, Enero 5.
MAKI-BALITA: TVJ, nanalo sa ‘EB’ trademark case vs. TAPE
Samantala, tuluyan nang sumuko ang “Television and Production Exponents Inc.” o TAPE Inc. sa laban kaya pinalitan na nila ng pangalan ang kanilang programa.
MAKI-BALITA: ‘Eat Bulaga’ ng TAPE sumuko na, nagbago na ng pangalan
MAKI-BALITA: TVJ bitbit na ulit ang ‘EAT… Bulaga!’ at kinanta ang theme song