Nagbunyi hindi lamang ang TVJ at Dabarkads hosts kundi maging ang mga legit Dabarkads viewers nang gamitin na sa "E.A.T." ang buong pamagat na "EAT... Bulaga!" pati na ang original theme song nito, matapos matalo ang TAPE, Inc. sa kaso laban sa trademark at copyright ng nabanggit na noontime show.

Makikita sa Saturday episode, Enero 6, na nakasuot ng pulang damit ang hosts na may nakalagay na "EAT... Bulaga!"

"Isang libo’t isang tuwa, buong bansa, buong mundo, EAT BULAGA!" ayon sa caption.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinanta rin nila ang theme song nila na matagal na ring hindi naririnig mula sa kanila.

Nag-photo op din ang hosts kung saan makikitang nakasuot sila ng statement shirt na nakalagay na ang pangalan ng noontime show na naibalik na sa kanila.

Nagpalit na rin ng cover photo sa kanilang Facebook page na ang nakalagay ay "EAT... Bulaga!"

Kaugnay nito, nagpalit na rin ng pangalan ang noontime show ng TVJ na "Tahanang Pinakamasaya."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at pahayag mula sa mga netizen.

"The original Dabarkads! Naibalik na rin sa wakas!"

"Sa inyo talaga 'yan, kayo ang rightful owner kaya sa inyo talaga ibinalik ni God. Nakakaiyak!"

"Nakaka-emo naman manood, kayo talaga ang lehitimong Eat Bulaga!"

"Ang saya hahahaha."

"Congratulations legit Eat Bulaga!"

MAKI-BALITA: TAPE sa bagong pangalan ng noontime show: ‘It feels like Day 1’

MAKI-BALITA: ‘Eat Bulaga’ ng TAPE sumuko na, nagbago na ng pangalan

MAKI-BALITA: TVJ, nanalo sa ‘EB’ trademark case vs. TAPE

MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na