"Tahanang Pinakamasaya" na ang pangalan ng noontime show produced by TAPE, Inc. at umeere mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Network.
Ito ay matapos manalo ng kampo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o mas popular sa trio na TVJ, laban sa kasong inihain nila para sa copyright at trademark issue ng titulong "Eat Bulaga!" pati na sa logo at theme song nito, na hindi nila nabitbit sa pag-aalsa balutan nila sa Siyete at paglipat sa Singko o TV5 bilang bago at pinal daw nilang tahanan.
Kaya naman, mula Mayo 2023 hanggang nitong Enero 5, 2024 ay "Eat Bulaga!" pa rin ang ginagamit ng TAPE sa nabanggit na noontime show.
Ang TVJ naman kasama ang original Dabarkads, "E.A.T." ang ginamit na pamagat ng show na maaaring bigyan ng maraming pakahulugan gaya ng "Eto Ang Tunay," at iba pa.
At nitong Enero 5 nga, lumabas na ang desisyon ng Marikina Regional Trial Court Branch 273 tungkol sa kaso. Nagsagawa pa ng Facebook Live ang TVJ upang ibalita ang good news na kanilang natanggap.
Kaya naman nitong Enero 6, nag-iba na ng pangalan ang noontime show sa pangunguna nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, at Isko Moreno.
Ang "Tahanang Pinakamasaya" ay madalas na closing salvo ng hosts bago nila sambitin ang "Eat Bulaga!"
Nagpalit na rin ng cover photo ang Facebook page ng TAPE na nakalagay na ang bagong titulo at logo ng noontime show.
"It feels like Day 1 at maraming salamat sa pagbisita sa Tahanang Pinakamasaya! Tuloy-tuloy lang ang Tulong, Saya at Sorpresa!" anila.
Sey naman ng mga netizen, tama lang daw ito dahil ang Eat Bulaga! ay associated talaga sa TVJ at sila na talaga ang maaalala ng mga tao sa tuwing nababanggit ito.
At least kung bago na raw ang pamagat ng show, mas magmamarka na ito sa mga "bagong" hosts at sila na ang maaalala.
MAKI-BALITA: ‘Eat Bulaga’ ng TAPE sumuko na, nagbago na ng pangalan
MAKI-BALITA: TVJ, nanalo sa ‘EB’ trademark case vs. TAPE
MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na