Tila hindi nagustuhan ni social media personality Rendon Labador ang bagong pangalan ng noontime show ng “Television and Production Exponents Inc.” o TAPE Inc.
Sa Facebook post ni Rendon nitong Sabado, Enero 5, makikita ang screenshot ng kaniyang komento tungkol sa bagong pamagat nitong “Tahanang Pinakamasaya”
Ayon kay Rendon, tag line daw at hindi naman talaga title ang ipinalit sa dating pangalan ng noontime show.
“Lalo kayong pag tatawanan ni JOEY DE LEON sa mga pinag gagawa ninyo. Ang dami daming magagandang TITLE sa buong mundo, yan pa talaga naisip ninyo?” saad naman ni Rendon sa caption ng kaniyang post.
“Pinag lalaban ko kayo tapos hindi pa ninyo ginalingan. Yan na nga lang ang trabaho ninyo hindi pa ninyo ginalingan,” dagdag pa niya.
Matatandaan kasing naglabas na ng desisyon ang korte hinggil sa “Eat Bulaga!” trademark at nanalo sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ sa kaso.
MAKI-BALITA: TVJ, nanalo sa ‘EB’ trademark case vs. TAPE
Pero bago pa man ito, noong Disyembre ay nauna nang ipawalang-bisa ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!”
MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na
Ngayong araw ng Sabado, Enero 6, tuluyan na ngang nagpalit ng pangalan ang show ng TAPE, Inc.
MAKI-BALITA: ‘Eat Bulaga’ ng TAPE sumuko na, nagbago na ng pangalan
MAKI-BALITA: TAPE sa bagong pangalan ng noontime show: ‘It feels like Day 1’