Pumanaw na ang dating Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) president na si Archbishop Emeritus of Davao Fernando "Nanding" Capalla nitong Sabado, Enero 9.

Sa Facebook page ng St. Francis Xavier Regional Major Seminary of Mindanao inanunsiyo ang pagpanaw ng arsobispo.

"It is with our deepest sorrow that we inform you of the death of our beloved Archbishop,” saad sa post.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Galing umano ang naturang impormasyon sa kasalukuyang archbishop ng Davao at kalihim ng CBCP na si Romulo Valles.

Pumanaw si Capalla sa edad na 89.

Ayon sa mga tala, kilalang peace advocate si Capalla noong nabubuhay pa. Nagsilbi siya sa CBCP nang dalawang taon bilang pangulo.

Naordinahan siya bilang pari sa Jaro Archdiocese noong 1961, hinirang namang auxiliary bishop ng Davao noong Abril ng 1975, at makalipas ang dalawang buwan naging ganap na obispo.

Samantala, noong 1987, hinirang siya ni Pope John Paul II bilang Apostolic Administrator ng bagong tatag na Prelature of Saint Mary sa Marawi City.